Mayroon ka bang reklamo tungkol sa pampublikong sasakyan – mga tren, bus, tram, tiket, pagmumulta o anumang bagay na may kinalaman sa mga serbisyo ng pampublikong sasakyan?
Kung hindi mo malutas ang problema sa kumpanya ng pampublikong sasakyan, maaari kang magreklamo sa Public Transport Ombudsman (PTO). Trabaho namin na mag-imbestiga at lutasin ang mga reklamo sa pampublikong sasakyan. Libre ang aming serbisyo.
Paano ka namin tinutulungan:
Nakikinig kami sa iyong reklamo, upang matiyak na naiintindihan namin ang problema at kung paano mo ito gustong maayos. Pagkatapos ay makikipag-usap kami sa kumpanya ng pampublikong sasakyan para sa iyo at tutulungan namin kayong dalawa na makakuha nang patas na resulta.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin sa wikang Filipino, sabihin ito sa amin kapag nakipag-ugnayan ka sa amin, at aasikasuhin namin na mabigyan ka ng serbisyo ng interpreter. O maaari mong tawagan nang direkta ang interpreter.
Maaari ka ring pumili ng ibang tao na makikipag-usap sa amin para sa iyo.
Para makipag-ugnayan sa amin:
Libreng tawag: 1800 466 865 (Lunes - Biyernes, 09:00 – 17:00)
Email:
Para sa isang interpreter, tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS): 131 450
Matutulungan ka namin sa mga reklamo tungkol sa:
- Mga late o nakanselang tren, bus o tram
- Myki at iba pang problema sa ticketing
- Mga multa sa pampublikong sasakyan (sa ilang pagkakataon)
- Mga tauhan ng pampublikong sasakyan
- Mga isyu sa pag-access, na mga isyung nagpapahirap para sa iyo na ma-access ang mga pampublikong sasakyan, istasyon o hintuan, impormasyon (tulad ng mga iskedyul o timetable) o mga serbisyo (tulad ng pagbili ng tiket)
- Ingay o iba pang abala na dulot ng mga pampublikong sasakyan
- Kaligtasan o kalinisan ng mga sasakyan, istasyon o hintuan
Paano makakatulong ang isang reklamo sa PTO upang gawing mas mahusay ang pampublikong sasakyan para sa lahat
Ang pampublikong sasakyan ay isang mahalagang serbisyo publiko. Maraming tao sa ating komunidad ang umaasa dito. Kung mayroon kang problema sa pampublikong sasakyan na hindi naayos ng kumpanya, posibleng may ganito ring problema ang ibang tao. Ang pagrereklamo ay maaaring makatulong upang gawing mas mahusay ang pampublikong sasakyan para sa lahat.
The Public Transport Ombudsman respectfully acknowledges the Traditional Custodians of the lands on which we operate our services. We pay our respects to the ongoing living cultures of Aboriginal and Torres Strait Islander peoples, and to Elders past and present.